Thursday, November 20, 2008

Ramdom 6 Daw...

Ok, my turn coz I've been tagged by Ateng Al.

RULES!!!

** Link to the person who tagged you.

** Post the rules on your blog.

** Write six random things about yourself.

** Tag six people at the end of your post.

** Let each person know that they have been tagged by leaving a comment on their blog.

** Let the tagger know your entry is up.

Jhan's Ramdom-ness:

1. I crave Mango Bravo Cake by Contis
2. I am a semi-nocturnal creature: Nowadays, my body clock log's off at 1am. Before it was 11PM, then became 12am and now, 1AM....But lately, I sleep at 2AM. Uh-oh. I dont want to drink sleeping pills a year or two from now.

3. I wear my retainers: After removing my braces three (3) years ago, and one (1) year of having retainers day and night, I noticed there are small gaps on my teeth so I put on my retainers back. But during at night only that is IF I'm in the mood. hehehe

4. Tamahome of Fushigi Yugi is my number 1 anime uber-dooper-mega-crush. Next in line is Eugene of Ghost Fighter. hihihi

5. I am not afraid of the ff: Ipis, daga, palaka, butiki. Just dont threaten me with Uod...That disgust me so much.
6. I am a Christian.

It's your turn
- Gili
- Hahz
- Larry
- Mean
- Bebs
- A

Chillax

Spend your loooonggg weekend and December holidays on these travel tours.

1. Discover the next Boracay of the Philippines: Caramoan
2. The LOWEST Peak Season Bora Rate: Boracay
3. Mt. Pinatubo Climb Tour
4. Experience Taal Volcano crater
5. Experience North: Ilocos

As for me, I'm going to spend my long weekend next week in Zambales!

Saturday, November 15, 2008

Early Gifts

Weeee!!! I got early presents from A and my Tita Ninang Maricel.

1. My new beach shoes. Love them so. Got them from Gateway branch coz they are the only branch who still have my size. I'm 4, from Kids section. hehehe.



2. And this one, was from Tita Ninang Maricel. Straight from Aussie. Yey! I can use them on my malling exercise! :D




See, I consider malling as an exercise now. Imagine the leg work you'll exert hopping from one shop to another. You stretch your arms and back too by trying to reach for racks with files and files of clothes that's on sale!!! That reminds me of the sale now at Trinoma. (NOv. 13-16) Geez, too many people. Imagine, I get stressed yesterday just by watching people passed by while I sat at Mr. Donut. They're like ants racing to some sort of sweets scattered all over the mall.

Well back to my new bag. I used this yesterday, ofcourse to match my red shoes. Every friday is wash day so we can wear maong pants and t-shirts.




Yesterday, I met Lady to treat her out for an hour facial at Dermstrata. It's my gift for her for Christmas since she wont be around to spend the holidays. :-(
It was already pass 8 when we finished but it's ok. We were both contented and felt 10X prettier and fresh. hehe. It was cold inside Dermstrata so we thought of something to warm us up. A joined us for dinner at the new Chinese Noodle House across Max's at Level 2. I had spicy spareribs noodles, Lady had fried pork chop noodles, while A had one of their house specialties. We ended the night sending Lady to her crib in Sampaloc and bid her with a kiss and good luck.

Have a safe flight to SG Lades! Mwah.

And speaking of gifts, I started to buy and wrap christmas presents this month to avoid rush-hour-last-minute-gift-shopping next month. Tomorrow, will visit Divi. Yikes! I will face another battle of tawaran+buhat+siksikan blues. I hope all will turn out well.

BTW, I will end this post by introducing Kelly Carebear. Got her from one of my shopping escapades at Trinoma. Isn't she super cute? She's the newest member of my mini stuff toys. And She's my favorite too.

Saturday, November 08, 2008

Happy Birthday Bro

To my youngest Bro, Happy 15th Birthday Bunso!!!
It's sad that you are under the whether but it will not stop us celebrating this day.


Keep up your good grades and strive for the 90's.
Kuya A and I will treat you out next week. *wink*

Labsyuso. Mwah!

Thursday, November 06, 2008

Sandosenang Sapatos

A nice, heartfelt story forwarded by a friend through email. 2001 Palanca 1st price winner.
After reading....I found myself in tears.....




Sandosenang Sapatos

ni Luis P. Gatmaitan, M.D.


Sapatero si Tatay. Kilalang-kilala ang mga likha niyang sapatos dito sa aming bayan. Marami ang pumupunta sa amin para magpasadya. Ayon sa mga sabi-sabi, tatalunin pa raw ng mga sapatos ni Tatay ang mga sapatos na gawang-Marikina. Matibay, pulido, at malikhain ang mga disenyo ng kanyang mga sapatos.
"Paano mo ba naiisip ang ganyang istilo? Kay ganda!"
"Siguro, dinadalaw ka ng musa ng mga sapatos at suwelas."
"Parang may madyik ang iyong kamay!"
Sa lahat ng papuri, matipid na ngingiti lamang si Tatay. Tahimik na tao si Tatay. Bihirang magsalita.
Lumaki akong kapiling ang mga sapatos na gawa ni Tatay. Madalas ay kinaiinggitan ako ng mga kalaro at kaklase ko. Buti raw at sapatero ang Tatay ko. Lagi tuloy bago ang sapatos ko kapag pasukan, kapag pasko, kapag bertdey ko, o kung nakatanggap ako ng honors sa klase. Ginagawan pa niya ako ng ekstrang sapatos kapag may mga tira-tirang balat at tela.
"Buti ka pa Karina, laging bago ang sapatos mo. Ako, lagi na lang pamana ng ate ko. Sa 'kin napupunta lahat ng pinagkaliitan n'ya," himutok ng isang kaklase.
Nasa Grade II na ako nang muling magbuntis si Nanay. Kay tagal naming hinintay na magkaroon ako ng kapatid. Sabi ng Lola ko, sinagot na raw ang matagal nilang dasal na masundan ako.
"Naku, magkakaroon na pala ako ng kahati sa mga sapatos! Pero di bale, dalawa na kaming igagawa ni Tatay ng sapatos ngayon."
Habang nasa tiyan pa si baby, narinig kong nag-uusap sina Tatay at Nanay.
"Nagpa-check up ako kanina. Sabi ng doktora, babae raw ang magiging anak natin!"
"Talaga! Kung babae nga, pag-aralin natin ng ballet . Gusto kong magkaanak ng ballet dancer ! Ngayon pa lang ay pag-aaralan ko nang gumawa ng mga sapatos na pang- ballet ."
Pero hindi lahat ng pangarap ni Tatay ay natupad. Nagulat kaming lahat nang makita ang bago kong kapatid. Wala itong paa. Ipinanganak na putol ang dalawang paa!
Nakarinig kami ng kung ano-anong tsismis dahil sa kapansanan ng kapatid ko. Siguro raw ay binalak na ipalaglag ni Nanay ang kapatid ko kaya kulang-kulang ang parte ng katawan. Nilusaw raw ng mga mapinsalang gamot ang kanyang mga paa. Isinumpa raw ng mga diwata ng sapatos si Tatay dahil mahal na itong sumingil sa mga pasadyang sapatos. O baka raw ipinaglihi si Susie sa manika.
"Nanay, bakit po ba walang paa si Susie?"
"Nagkaroon kasi ako ng impeksyon anak. Nahawa ako ng German measles habang ipinagbubuntis ko pa lang ang kapatid mo. At.iyon ang naging epekto," malungkot na kuwento ni Nanay.
Hindi na magiging ballet dancer ang kapatid ko. Malulungkot si Tatay. Araw-araw, ganu'n ang naiisip ko kapag nakikita ko ang mga paa ni Susie. Kaya pinilit ko si Nanay na muling pag-aralin ako sa isang ballet school (dati kasi, ayaw kong mag-ballet). Pero.
"Misis, bakit hindi n'yo po subukang i-enrol si Karina sa piano, o sa painting, o sa banduria class? Hindi yata talagang para sa kanya ang pagsasayaw," sabi ng titser ko sa Nanay ko.
Nalungkot ako. Hindi para sa aking sarili, kundi para kina Tatay at Susie, at sa mga pangarap na masyadong mailap.
Saksi ako kung paanong minahal siya nina Tatay at Nanay. Walang puwedeng manloko kay Bunso. Minsan, habang kami ay nagpipiknik sa parke, may isang mama na nakakita kay Susie.
"Tingnan n'yo o, puwedeng pang-karnabal 'yung bata!" turo nito kay Susie.
Biglang namula si Tatay sa narinig. Tumikom ang mga kamao. Noon ko lang nakitang nagsalubong ang mga kilay ni Tatay. Muntik na niyang suntukin ito. "Ano'ng problema mo, ha?"
Mabuti't napigilan siya ni Nanay.
Isang gabi, habang nakahiga kami sa kama , narinig kong kinakausap ni Tatay si Susie.
"Anak, hindi baleng kulang ang mga paa mo. Mas mahalaga sa amin ng Nanay mo na lumaki kang mabuting tao at buo ang tiwala sa sarili." Masuyo niya itong hinalikan.
Hindi tumigil si Tatay sa paglikha ng sapatos para sa akin. Pero napansin ko, kapag sinusukatan niya ang paa ko, napapabuntung-hininga siya. Pagkatapos ay titingin sa kuna.
"Sayang, Bunso, di mo mararanasang isuot ang magagarang sapatos na gawa ni Tatay." bulong ko sa kanya.
Lumaki kami ni Susie na malapit ang loob sa isa't isa. Hindi naging hadlang ang kawalan niya ng paa para makapaglaro kami. Marami namang laro na di nangangailangan ng paa. Lagi nga niya akong tinatalo sa sungka, jackstone , scrabble, at pitik-bulag. Ako ang tagapagtanggol niya kapag may nanghaharot sa kanya. Ako ang tagatulak ng wheelchair niya. Ako ang ate na alalay!
Noon ko natuklasan na marami kaming pagkakatulad. Parehong magaling ang aming kamay kaysa aming mga paa. Ako, sa pagpipinta. Siya, sa pagsusulat ng mga kuwento. At oo nga pala, si Tatay, kamay rin ang magaling sa kanya!
Minsan, ginising ako ni Susie. Sabi niya, nanaginip siya ng isang pambihirang sapatos. Napakaganda raw nito sa kanyang mga paa.
"May paa siya sa panaginip?" gulat na tanong ko sa sarili.
"Maniwala ka, Ate, kay ganda ng sapatos sa panaginip ko. Kulay dilaw na tsarol na may dekorasyong sunflower sa harap!"
Magbebertdey siya noon . At napansin ko, tuwing nalalapit na ang kanyang kaarawan, nananaginip siya ng mga sapatos.
"Ate, nanaginip na naman ako ng sapatos. Kulay pula ito na velvet at may malaking buckle sa tagiliran."
Binanggit din niya sa akin ang sapatos na kulay asul na bukas ang dulo at litaw ang mga daliri niya. Ang sapatos na puti na may kaunting takong at may ribbon na pula. Ang sapatos na yari sa maong na may burdang buwan at mga bituin. Ang sandalyas na parang lambat. Ang kulay lilang sapatos na may nakadikit na bilog na kristal sa harap.
Manghang-mangha ako sa kung paanong natatandaan niya maski ang pinakamaliliit na detalye ng mga sapatos - ang disenyong bulaklak, ribbon, butones, sequins , beads , o buckle . Inaangkin niya ang mga sapatos na 'yon.
"Ate, paglaki ko, susulat ako ng mga kuwento tungkol sa mga sapatos na napapanaginipan ko. Ikaw ang magdodrowing, ha?"
Paglipas pa ng ilang taon, namahinga na si Tatay sa paglikha ng mga sapatos. Gumagawa na lamang siya ng sapatos para sa mga suking di matanggihan. Noong nagdaos siya ng kaarawan, niregaluhan ko siya ng isa kong painting na may nakapintang isang pares ng maugat na kamay na lumilikha ng sapatos. Binigyan naman siya ni Susie ng isang music box na may sumasayaw na ballet dancer .
"Pinasaya n'yo ang Tatay n'yo," sabi ni Nanay.
Pagkatapos noon , naging masasakitin na siya. Labindalawang taon si Susie nang pumanaw si Tatay.
Isang araw, hindi sinasadya'y napagawi ako sa bodega. Naghahalungkat ako ng mga lumang sapatos na puwedeng ipamigay sa mga bata sa bahay-ampunan Sa paghahalughog, nabuksan ko ang isang kahong mukhang matagal nang hindi nagagalaw. Naglalaman ito ng maliliit na kahon. Mga kahon ng sapatos na maingat na nakasalansan!
" Para kanino ang mga sapatos? May umorder ba na hindi nai-deliver?" tanong ko sa sarili.
Pero nang masdan ko ang mga pares ng sapatos na 'yon, nagulat ako. Taglay ng mga sapatos ang pinakamahuhusay na disenyo ni Tatay. Iba-iba ang sukat nito. May sapatos na pang-baby. May sapatos na pambinyag. May pang- first communion . May pangpasyal. May pamasok sa eskuwelahan. May pangsimba. May sapatos na pang-dalagita.
Lalo akong nagulat nang mabasa ang kanyang dedication sa nakasabit na papel:
Para sa pinakamamahal kong si Susie,
Alay sa kanyang unang kaarawan
Inisa-isa ko ang mga kahon. Lahat ng sapatos na nandoon ay para kay Susie. Diyata't iginagawa ni Tatay si Susie ng mga sapatos?
Para kay Susie, lugod ng aking buhay
Sa pagsapit niya ng ikapitong kaarawan
Taon-taon, hindi pumalya si Tatay sa paglikha ng sapatos sa tuwing magdaraos ng kaarawan si Susie! Sandosenang sapatos lahat-lahat.
Handog sa mahal kong bunso
Sa kanyang ika-12 kaarawan
Napaiyak ako nang makita ang mga sapatos. Hindi ko akalaing ganu'n pala kalalim magmahal si Tatay. Binitbit ko ang sandosenang sapatos at ipinakita ko kina Nanay at Susie.
"H-Hindi ko alam na may ginawa siyang sapatos para sa 'yo, Susie." Namuo ang luha sa mga mata ni Nanay. "Inilihim niya sa akin ang mga sapatos."
"A-Ate, ito ang mga sapatos na napanaginipan ko." Hindi makapaniwalang sabi ni Susie habang isa-isang hinahaplos ang mga sapatos.
"Ha?"
Noon ko lang naalala ang mga sapatos na ikinukuwento ni Susie.
Dilaw na tsarol na may dekorasyong sunflower sa harap. Kulay pulang velvet na may malaking buckle sa tagiliran. Asul na sapatos na bukas ang dulo at litaw ang mga daliri. Kulay puti na may kaunting takong at may ribbon na pula. Sapatos na yari sa maong na may burdang buwan at mga bituin. Sandalyas na parang lambat. Kulay lilang sapatos na may nakadikit na bilog na kristal sa harap.
Naisip ko, tinawid kaya ng pag-ibig ni Tatay ang mga panaginip ni Susie para maipasuot sa kanya ang mga sapatos?
Hindi ko tiyak.
Ang tiyak ko lang, hindi perpekto ang buhay na ito. Gaya ng hindi perpekto ang pagkakalikha sa kapatid ko. Pero may mga perpektong sandali. Gaya ng mga sandaling nilikha ni Tatay ang pinakamagagarang sapatos para kay Susie.